Isn't it a shame to see me stuck in this oh-so pathetic little world of mine? Tignan mo to halos lahat sila ay tuwang-tuwa sa sarili nilang mundo. Ellipses there, smileys here. Tapos ako ay may whatever na stat message. Kakatapos lang ng isang movie with a happy ending at ito, I found myself feeling more alone than ever. Tapos kung anu-ano iisipin ko. And yes nung nakahiga ako, what do I see? May electric fan na nakatutok sa isang monobloc armchair na nakaharap sa isang desktop PC, may subwoofer sa gilid, may dalawang mini speakers, may wine glass sa isa, lots of cd's, and paper, lots of it, nasa floor. Dun, duon ako naka-upo 90% of my waking day. Bumbulabog lang saken ay ang virus ridden pc ng isang tao sa messenger list. Malapit na nga kong mainis e. Grabe flooder amp.
Pero tinulungan ko. Ewan ko lang kung gagawin niya. Nagka-conversation tuloy ako.
Hay nako. Di pwede itong ganito. So, after a year, I must really be different. Kundi ganito rin lang gagawin ko. Always behind a PC, sulking.
Tapos ito may na-click akong video plug tungkol sa kung anung company. I heard these lines: 'be productive in my own way.' He is talking about business pero ano, naisip ko na walang magagawa saken ang anumang idealogy sa ngaun. Well ito ang kalakaran, kailangang sundin, kung hindi, mamundok na lang ako, or ano, umasa sa nanay ko. WTF.
Argh. Depressed ako. Pero sabi ng nanay ko, magpapadala daw siya sa wednesday. Ansaya no? Kaka-ubos ko lang halos ng pera ko, tapos meron na namang bago. Parang ansaya dun sa tate ah. Magiging nobody ako dito, pero ayos naman ako financially, and somehow, enough na yun para makaraos ako sa isang araw. Pero wtf. Ano nangyari sa hopes and dreams ko? *Bleh*
Bakit kaya ganun mga movies? Mahilig sila mag-glamourize ng kung anu-anong klase ng buhay. Nauuto tuloy ako. Naisip ko na ano e, ganun ang gawin kong theme, yung bida malulure ng isang buhay, tapos kailangan natin siyang i-root back sa dating meron siya, at maipakita na ano e, masyadong sensationalized lang yun lahat. Recurring theme. Ang aking counter-whatever. Pero mukhang di ako kikita kapag ganun ah, mukhang kasing masayang magpaka-slave sa industry. Kasi in that way, magigign financially stable ako. Walang lugar ang aking dreams sa middle class upbringing ko. Wohohow.
Kaya nga walang inisip nanay kundi maging engineer ako e. Eh ayaw ko na nun, at ayaw ko nung nakikita ko mula dun. Some goo-goo naman ako na naka-tie tapos behind a desk, inside a cubicle, encoding-encoding. Tapos ang repose ko lang ay mag night life or whatever. Na kung sakali man ay magiging uneventful, being that I am. Tapos ano? After some years makakakita ng babae, magpapakasal magkaka-anak? WALA NA. Ano? Sa anak ko na lang ipapasa dream ko? Hehehey. Ayoko ulitin ang cycle.
Anyway. Short history lang. Itong sa nanay side ko, sabog yung sa father's side e. POV ko lang naman to ah, as things are from what I behold them to be. Ayun. Ang lolo ko ay mahilig sa baseball, dinala niya ko sa isang game dati. Tinuro pa niya yung tamang hawak ng bola kapag bumabato, well in this case, batuhang-bola yun, or tatsing or whatever. Well balik tayo. Gumigising yun ng maaga lagi, as usual, interesado sa balita, nagraradyo pa, nagaalaga ng manok pang-sabong, sa alam ko expert to e. Well, nung martial law dahil hinuli siya sa baywalk something, nambababae ata siya nun. (Inevitable yung ganito no? Grabe lang.) Proud siya pag nagkkwento siya na ginawa niya no? Dream niya rin yatang makapanood ng yankees game. Pero andami niyang anak ah, lima, lahat professionals. Yung isa pulis, professional ba yun? Haha ansama ko, pero masaya naman si tito. I don't have any problems with them. Isang ano sila, tightly knit na family, kahit na alam ko eh may sarili pa rin silang away. Well pero ang galing niyang tatay! Yun lang. Idol ko yun e. Pero sa ngaun e mahilig siyang magmura sa kalagayan niya. Kalahati na lang siya e, kailangan niyang buhatin isang paa niya at kamay para gumalaw. Ang sad no? Isip niya rin e. At ang fiery ng spirit niya! Proud pa saken, though I am not so proud of myself. What a shame. Ewan ko kung kelan siya nagretire, pero bago nun e nasa palawan or negros siya, at laging isda kinakain nila. Someday baka magkkwento na lang kami tungkol sa Pasuelo family history.
Yung sa tatay ko naman sad. Namatay yung lolo ko dun 1981 pa lang, 1906 yata pinanganak yun, apat or tatlo asawa? Yung lola ko yung huli at ano, well stereotypical middle class lola, yung lower middle class ah. Sawsaw sa splendor ng apelyido ng lolo ko, bernardino, wohow. Kung di lang sa tatay ko pasuelo gagamitin ko e, my poor dad. Tsk tsk. Well ma-aksyon naman ang history nitong bernardinos. Parang action movie. Haha. Full of drama. Complete with struggles to attain financial stabiilty, anak-sa-labas scenes, personal safety issues, tondo 1970s. Ewan. Basta. Pero eto, dalawang anak na ng lola ko ang namatay. Tapos eto pa rin siya, di makaretire, nagta-trabaho pa rin. Humihilik pa ngaun. Malakas. 77 na to ah. Grabe. I really wish things could be better for her. Nakakainis pa naman to minsan, bilang stereotypical middle class lola (in this case, eto yung ano, masyadong profit-oriented, despicably humble [wrong kind of humility], basta). Well all in all, ewan ko na, ito naabutan ko, ito nangyayari ngaun. Things could never be different. Ay oo nga pala, yung tungkol sa tatay ko, dumating rin pala yung panahon na ano, wala na sa ano a sanity lolo ko, yung tipong lumalabas yata ng bahay nakahubad something, tapos inaalagan siya ng tatay ko. Mga ganung eksena no? Anyway, tatlo itong anak ng lola ko dun kay Herr Bernardino Sr. pero pangalawang asawa na siya ng lola ko. Pero ayun, buti na lang di umabot sa ganun tatay ko, ano, sane to the last moment. Whatever. Pero sickening pa rin yun. Akala niyo ba, nagkadeathbed scene na ko, pero di yung ano ah, nakapalibot buong pamilya, ano lang, death creeped in during the night, siguro habang naglalaro ako ng Star wars episode 1 na game, or nung natutulog ako. So sad. But it's fucking true. And I can't have it any other way. So malaking factor to kaya bitter ako sa mundo. Maybe.
Ansaya ni ano o, ni immigrant boy:
Herr M: ano my bago k n bng shota
Asteg.
Buti pa tong iba, iba nangyari no. Hehe. Well di sana ako ganito kung di ko lang talaga dama ang singularity nitong lahat. Sorry I don't believe in any X number of chances. This is it. Kasi ano ako e, heathen. Hirap tuloy i-accept, wala akong konsepto ng benevolent being e.
At siyempre kapag ganito, o mali gising ko, bakit kaya specially cold yung tubig kapag naligo ako or yung ano, yung electric fan. Tagos sa buto. Grr. Alam na alam ko tuloy ibig sabihin ng ringwraith business at yung ano 'the feel' nila. Seryoso, and I kind of know what he means by him. Na hindi yun arbitrary concept, may ano yun, real factor. And I can feel it sometimes. Parang ngaun. Nakakatakot. Pero it's here, and I don't really have a choice.
Sunday, October 21, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment