Bumili ako ng Jedi Knight II Jedi Outcast tapos ano, 1 hour into the game, motion sickness wtf. Tapos coffee helps daw o, according to Herr Guerzon. And yes, it does. WTF ansakit ng mata ko. Sa CS di ako nagaganito, sa alien versus predator oo, nagquit ako agad dun. Sa Deus Ex, hindi, shit, ilang oras ako naglalaro nun. Sa Half-life, minsan, nung nanonood ako ng naglalaro ng half-life, sasakit siya, 80% of the time. Woo.
WTF ang ulan ngaun.
Parang masaya umuwi ng maaga at matulog. Pero last week na, malamang lagi na kong nasa bahay for the next weeks. Gusto ko lumabas. Wala na yata ko pera. Pero magkakaron yan siguro.
Tapos nag-crash yata ako last week, pero di ganun ka-grabe. Tapos naddisturb ako sa mga panaginip ko. Nakakalungkot tuloy :( . Anyway, ang o.a. ko uli.
Well, well. Nakanood ako ng Lluvia en los Zapatos ni Maria Ripoll. At nasa upfi siya kahapon, astig no? Ayun. Tinawanan lang daw siya ng tatay nia nung sinabi niang gusto niang maging director. Pero sabi niya eh, dapat go-getter tayo, parang nung sa songs ni Lenny Kravitz na pinaghirapan niyang makuha ang rights. Well. Tapos umuulan like Inferno kanina.
Ehh nasa fc ako, nanood kami ng Im Juli, [ansaya puro nood], tapos ayun nga umulan, naiwan ko payong ko kahapon sa upfi. Tapos sinubukan kong takbuhin mula fc hanggang upfi para sa payong ko. Ayun ansaya. Tumatakbo sa ulan. Tapos nawala na pala ng tuluyan ang precious payong ko. WTF basang-basa ako. Pero ansaya ni manong guard, pinapasok kami sa loob, at sa empty theather, dumaan kami sa backstage. Ansaya.
Ayun. Maglalagay ako ng ganun scene sometime somewhere. Empty movie-house. Woo. Saka yung ano, yung funny way kapag maliit daanan at di kasya mga payong ng mga tao. Kasi kanina, tinaas ko payong ko para di niya na itaas niya payong niya. Pero tinaas pa rin niya, at tinaas ko ng mas mataas yung akin. Tapos after nun, tilt to the right, at tilt to the left naman yung isa, ang comic. Parang some etiquette. :D
Ah, may payong na ko kasi, bumili ako ng bago. Fibrella. 230 Pesos. Sa SM Carriedo. Kasi nagpadevelop ako ng black and white film. Abnoy camera ko amp. Parehong exposure, parehong setting, tapos iba kinalabasan. WTF. Saka na uli ako mag-aattempt mag B&W photography. Black and white ah, hindi GRAY photography. Dapat ko na pa naman alam na techniques. Tulad ng:
To improve contrast:
*tamang developing (shempre, pero ano, dapat talaga di over or underdeveloped)
*Go for 3-5 second intervals when printing, yung mga maayos kong contrast ay exposed for 10-15 seconds lang ang photopaper, panget na yung mga 20 seconds + or 3-5 mga ganun. Basta.
*Shoot under well-lit conditions. Dapat mataas lagi araw, 9-3, titingkad ang puti nun. Shiny pa. Di pa mukhang bland. May shimmering effect! Tingnan mabuti ang difference ng tones! (Talaga naman e)
*Panget ibang photos pag di glossy yung photopaper. Walanya. Di inexplain samin. Eh ako lang yata di gumagamit ng glossy. Kapag dark ang photo, mag glossy! Mas maganda effect. Sabi ni mang cv, sa mga light photos lang daw lumabas contrast ng non-glossy paper.
*Magaling ako magshoot ng sky! Woo. Pero actually, kailangan high-grain ang film, di na necessary aperture. Takte. Ganda na sana ng photos ko kung hindi lang BS ang camera ko.
*Eto pa pala, sa developer, wag tagalan, kahit hindi na 1.5 minutes ang babad, kasi ano e, di na nahahabol ng developer ang contrast.
Pasahan na mamaya ng 12 photos para sa Film 110 ko. Kulang pa ko. Kaya yan.
Nakapanood ako ng dalawang romantic films magkasunod na araw. Parehong euro pa. Nakakalungkot tuloy. At kahapon ko pa gusto magsulat tungkol dun. Kasi may mga teorya na naman ako. Pero wag na.
Antanggal ko nang naiisip yung ano, "It's only after you've lost everything that you're free to do anything." Whoa Whoa.
Shit. Alam na alam ko na yung feeling na ano, "missing someone". Antanggal ko nang nabo-bother nun. O.o
Maya na lang yung iba.
Tuesday, October 2, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment