Wednesday, August 29, 2007

For All the Hell

Inaantok na ko. Pero, gusto kong magsulat. Kasi, nanggagalaiti na naman ako. Kasi may mga bituin si Mang Paco, tapos kumulog ata sa labas para saken.

Well. May na-achieve ako! Kaya nag-post ako. May sinara kasi akong window, ang shit kasi. Tapos may bumukas, pero mahirap ma-exploit, ewan ko, tapos sumara amp. Tapos meron ulit bumukas! Pero mukhang bumalik ako sa umpisa, umikot lang. Ayos lang! Hindi na ko magiging zombie! I got blood running through my veins.

It's open season once again! And, I'll hunt for better game! Ugh. Tama na muna.

Thursday, August 23, 2007

Treat Me Like I'm Dead

Ano na ba ginagawa ko?

Wala na naman. Palakad-lakad. Kumakanta ng Laurentia. Naghihintay. Nagaabang. Natutulog sa bus. Nagmumuni-muni. Inaaway yung aso. Sinusubukang walang isipin. Palakad-lakad pa rin. Pero may bago, sumasakit na ulo ko in a regular basis.

Ayan. Nasa bus na ko kanina, tapos malamig kasi shem yung bus company. Tapos sinabi ko pa na ano, malamig lagi buses ng shem pero ano, buraot maningil. Pero kanina mura lang, 16 lang. Makikinig sana ako ng Jack's Mannequin pero parang mas masaya makipagkwentuhan. Tapos may naisip ako na importante. Tapos habang nagiisip-isip ako, nakakatulog na pala ako. Kahit na blaring yung earphones ko, nakatulog ako ng mahimbing. Ansarap nga eh. Tapos nakatulog na rin pala sila. Sabi ni kris masarap daw tulog niya.

Yung naisip ko kanina. Grabe nagtataka ako kanina. Tapos ano nagulat ako sa ginagawa ko. Tapos ayun. Naisip ko yung mga pinagsasabi ko. Tapos naisip ko yung mga maaring mangyari, tapos ano, naisip ko na di pala talaga ako sigurado. Nakakatakot. Pero ano, ayos lang. Tapos open season na talaga. Pero mahirap maghunt.

Step up na nga pala.

Reminisce na lang. Pero naisip ko, di ko dapat ikwento lahat, kasi na-ikwento ko na sa kanya to eh, tapos ano, may ibang nakaka-alam. Pero wtf long hair ako nun, tapos lutang siya. Tapos naghihintay ako sa parang parking lot nun kasi may 'washroom' dun. Nagbihis siya dun. Ayan. Tapos di ko makalimutan yun, kahit na di ko na talaga maaalala. Pero lumabas sa washroom na yun ang pinakamagandang babaeng na nakita ko. Tapos tinanong niya ko kung ayos ba itsura niya. Hindi ko alam kung ano talaga tinanong niya pero parang ganun. Gusto ko sana sabihin na ano, yung iniisip ko. Pero ang sinabi ko: 'ayos lang, pwede na yan'. Hay. Lost cause.

Tapos makinig kayo ng Jack's Mannequin kasi masaya. Lahat!

Dahil ni-request ni astrud, ito na. Napulot ako ni astrud noong 28 May 2007, may hangover pa ko nung heat of my passion kaya medyo sabog pa ako. At habang binabasa ko archive ko eh, naiiyak ako sa mga pinagsusulat ko. Kasi ang-wtf ko nun. I-picture niyo na lang ako na ano, natutulog pa rin ng 5am tapos gigising ng maaga, tapos uupo sa harap ng PC buong araw. Ito pa! Ako pa yung tipong nasusuka dahil depressed, tapos lagi yata akong nakapulupot sa unan kasi ano, depressed nga. Tapos nakakatuwa siya nun kasi ambilis pa niya magreply, kasi nasanay akong mag hintay ng 2 hours or even days para magreply ang isang tao. Tapos ano, mejo-equal yung effort namin sa pagsusulat madaling lines rin siya. Tapos wtf ako. Second day pa lang halos ikwento ko na buhay ko. Kadiri ako. Tapos naalala ko yung araw na ano, gusto kong umalis ng Pilipinas para lumayo sa mga taong bumubullshit sakin. Ayan, ganyan ako ka-grabe nun. Tapos balak niya ko samahan! Bago yun. Tapos gusto niya umulan, eh nasa bahay lang naman siya eh ako lalabas ako at wala akong payong. Tapos adik siya sa ulan, may naaalala siya lagi. Tapos binuhos ko na halos lahat ng meron ako kahit na unang usap pa lang halos, ganun ako ka-desperado for company! Eh hindi pa nga kami nagkikita personally. Tapos di ko pa nirereplyan minsan, kasi nung panahon na yun, di pa ako sanay mag text spree. Matagal na kasi akong walang kausap sa phone. Ehh magaling mag-effort yun sa mga conversation. Kaya ayan di ko nirereplyan, para makafocus sa iba. Peace tayo! Wag na nga. Mahaba na.

Monday, August 20, 2007

You're Clever

Oo madaling araw na. Nandito ako nagkakamot ng ulo at nakaupo! Hurrah. Tapos I'm So Scared To Lose! Tingnan niyo mga nangyari saken this past few months:

-Natuwa ako masyado sa mga words
-Feel ko andami kong choices
-Tapos natutunan ko di ka dapat giddy
-Tapos it's how you wanna make it
-Tapos wag maging anime protagonist.
-Dapat Tyler Durden kapag sumunggab
-Tapos nakaka-ano magpacute, masaya pero, who's laughing?
-Tapos nakakatakot magtanong no? Baka kasi di mo gusto yung sagot eh
-Tapos baka maging awkward pagkatapos haha. Sino may gusto nun?
-Tapos ansaya ng Stay, the distance I'm running, haha. ouch. >.<
-Tapos as usual madami tayong means para ijustify ang mga mali natin
-Ano pa? Natutunan ko na ano, masarap bumagsak kapag mataas na mataas na bangko mo, kaya ayun. Shit ansakit nun. Talo yung masaktan! Tapos nahulog ako. >.< Grabe
-Tapos after nun, naturuan ko na sarili ko, kaya astig na ulit ako
-Tapos eto na lang ginagawa ko, hintay-hintay, makiramdam-ramdam, kasi alam mo yun, assume the least dapat, baka mamaya magpatawa na naman ako, masaya magpatawa.
-Tapos ayun! Biglang sunggab. Ewan ko. Ayoko isipin na di lang ako nag-i-ischeme. Sawa na ko sa mga ganung theories.

I-enjoy mo na lang yung chase! Mahabol mo man o hindi.

Saka di talaga ako sure. Sa ngayon siguro, pero ewan ko. Pakasaya na lang tayo.

Saturday, August 11, 2007

Blue and Black

So I start the long walk
Past alleys, past faces
Past smiles, fast I pace
Through dim lights
Through muddy ways
I have to get home
But I can wait
Who cares for the stars?
The lights flood them out
Who cares about my heart?
The world drowns it out
When the sky turns into ceiling
the stars turn into lamps
I let the dog ruin my shirt
She's happy to see me home tonight
And I won't let her in the house
I empty my pockets
Coins, cards, a hanky
And my phone -- just a watch
And I'll lay it atop a desk
Beside no family portrait
Undo my shoes, and my belt
I face the mirror
And frown at myself

============

Malamig kahit tanghali. Wala lang.
=D

Friday, August 10, 2007

In the Thick of It

Blank.
I didn't know how it began
Or if it really did
And I don't know why
It has to end
But you have really shown me
What everything means
and what nothing is all about
You taught me everything
I don't really need to know
You never taught me
What I needed to know
But I guess that was a sign
That you don't need anything
I'm glad you showed me
How wrong I was
and how you'll be the best
I could ever want
You showed me how close I was
And how far apart
We're ever gonna be
It's too late to notice
And you're too silly
This has been quite a mistake
But I'm glad I made it
Forget everything I've said
But please don't forget me
Because I will never forget
That smile that made me
Believe I was really something
And the you, that made me
The luckiest fool you'd ever meet

==================

Ang corny mo! Wag ka na!
=)

Thursday, August 9, 2007

Caught

Walang kwenta ang araw na to! Around 8 ako nagising tapos naiinis pa ko kasi naunahan ako sa pc. Tapos binubulabog ako. At nagpasya ako matulog, sakaling dumating nga yung inaasahan ko. Pero ayun, 2pm na ko nakagamit. ARGH. Sira ang araw ko.

Wala pang pasok ngayun. Wala rin akong magawa. Ayan. Nakikinig ako kay mr. elton john. Sabi na nga ba, hindi uulan gaano ngayon eh. Sayang ang araw.

You almost had your hooks in me. Kailangan ko ng fiery music. Kasi anlamig dito.

Anyway. Naiinis ako, hindi ko alam kung bakit. Kailangan ko ng outlet. At parang hindi gumagana.

Manonood na lang ako ng movie.

Washed

The Luxury of Choice. Pinagpala kayong mayroong ganito. Pinagtiisan na nga eh. Ganun pa rin. Sige! Mas mataas pa kayo magbuhat sa sarili niyo ah. But as for me, I don't move for anyone. You sometimes can't keep two things at the same time. Kanya-kanyang hinayang na yan. Kanya-kanyang piring sa mata, para sa mga bagay na ayaw niyong makita.

Pabilisan pumulot ng sarili yan. Mas madami pa dapat dun sa nahulog mo. Kasi, talo yung mas maapektuhan. Gaano mo ba ka-gusto?

Pamantayan.

Paano ko ba nakikita? Ang asul ko ba ay iyong pula? Hindi maiiwasang di makibagay. Kasi ganun mo ka-gusto. At ikaw lang ang tanging gagalaw, sasayaw ka mag-isa. Ikaw rin lang ang matutumba. Sarili mo rin lang tugtog yan. Ikaw lang ang nakakarinig. Ikaw lang ang bahala. Sayaw na!

Huwag ka mag-alala. Di na sayo umiikot mundo ko. Sa akin na. At hindi ka naman nag-aalala, onga pala.

Mag-gamitan na lang tayo habambuhay!

Wednesday, August 8, 2007

After That

Ayun. Nakahanda ako. Kaya pupunuin ko ito ng mga bagay na ako lang ang nakakaintindi. Kasi rainman ako. Tumintindi na rin ang ulan. Pati ANG ALAB NG DAMDAMIN! Hargh! Buti na lang iba-iba itsura pero pare-parehong bagay. Parang ano, Pulitika ng Pilipinas. Hindi nakayugto eh, umiikot lang. Iba lang ang tawag. Pareho ang dating. Pareho rin ang gagawin. Pareho rin ang mangyayari! Sawa ka na ba? Sila daw hindi pa. Ako sawa na ko. Pero ganun na yata ikot ng mundo eh. Nakakatatlo na ko ah! Pero matagal na yata akong tatlo. Ayun lang po.

Buhay na buhay na naman ako! Isisigaw ko sa mundo. BUHAY AKO! Kapag kinurot ko kamay ko masakit oh. RAMDAM KO! Tapos tumatawa ako? Natatawa sa sarili ko! O natatawa sa kaunting mayroon ako at lalo na sa malaking inaaakala kong mayroon ako? Ano na naman ba? Tunog na naman na panglunod ng sakit at poot na nararamdaman ko? Isang kalimot-limot na gabi na naman para sa inyong lingkod. Sabi nga eh, a night full of disappointment and compromise. Buong-buo ang experience mo! Ano ba saan ka ba pupunta? Iikot na lang ba?

Ang tanong lagi eh, 'sinong babae na naman ba ito'? Ako eh, 'anong kalokohan na naman ba ito'? Ano ba yan, wala na kong dangal. Ayun hinayaan ko dalhin ng init ng dugo ko ang pagsasasaayos at pagdidikit ng mga letra hanggang magkaroon ng salita, mga parilala at ng kaunting pagkaunawa. Swerte oh. Buo ang araw ko. Tapos bagong ikot na naman, pagdating ng umaga.

Tuesday, August 7, 2007

Two

August 7 na oh. Walang nangyayari.

===========================
Tapos dapat dala mo sarili mo. Para mataas ang bangko. Itaas mo!
Tapos bumabagsak ang ulap. Nababasa ako. Wala akong payong.
Buti na lang naturuan ko sarili ko. Hindi na ko marunong.
Mamaya matumba pa ko eh. Mataas ang pagkakasabit ko.
At walang susunod. Tapos na dun. Isipin mo na lang.
Tapos masaya ba yung pampapula ng pisngi?
Naa-ano ako eh. Ano. Tapos nadidiri ako sa sarili ko.
Ayaw ko nung imahe na nakikita ko. Hindi ako yun.
Pero hindi ko naman alam kung ano ang ako.
Ayos lang siguro yun. Kahit papano. Huwag na!
Saka na nga. Kapag alam na. Kapag alam ko na.
At walang nakaka-alam!

=======================


Hindi pantay. Ambilis pa naubos ng pera ko, 1400 per week? WTF. WTF pa ako. Buti na lang makulimlim ang langit, pero puti at bughaw ang nararamdaman ko, kahit papaano. Woo.

Thursday, August 2, 2007

Bite Me

Binulshit ako ng net ko. Kakaiba rin mga napapanaginipan ko. Woo. Kailangan ko ng "me" time.
Tapos kaninang pauwi ako, as usual naglalakad, lihim akong sumabit sa likod ng isang cargo jeep. Para mapadali lakad ko, ayun, ansaya. Parang I belong, but I really don't. Me and film negatives, we don't get along so well. GRRRRRRR

Gusto ko ng open space. Dun na lang ako sa "bakal" mamaya. At sana naman makapag-develop na ko! WTF. Ililista ko na lang mga nakakapagkumpleto ng araw ko. Game.

-si ben stiller, classmate ko sa deutscher zehn und elf
-si Herr Rigoberto, oh yes
-coke sa gabi
-isang masayang usapan
-isang hearty meal, sa gabi nga lang applicable
-isang >:D< pero minsan hindi
-isang masayang tulog
-oh nga pala! kapag napa-silence ko isang trash talker. or kahit sinira ko laro nung isang hardcore by mega lane skills. ASTEG

Tapos keep walking. Lagi namang may bumubukas na pinto, o kahit bintana lang. Masaya na yun siguro. Kumatok ka lang. Tapos kapag pinalaki mo yung apoy, it'll burn out. Kaya patayin mo bigla! Tapos buksan mo rin paminsan-minsan. Para exciting. Apoy. Nakakapasok.

Magiisip pa ko ng metapor. Kasi ganun pala ginagawa ko, tingin ko. Ayun.
Magpapakayelo ako, para kapag natunaw, magiging tubig para sa aking tigang na damdamin.