Thursday, August 23, 2007

Treat Me Like I'm Dead

Ano na ba ginagawa ko?

Wala na naman. Palakad-lakad. Kumakanta ng Laurentia. Naghihintay. Nagaabang. Natutulog sa bus. Nagmumuni-muni. Inaaway yung aso. Sinusubukang walang isipin. Palakad-lakad pa rin. Pero may bago, sumasakit na ulo ko in a regular basis.

Ayan. Nasa bus na ko kanina, tapos malamig kasi shem yung bus company. Tapos sinabi ko pa na ano, malamig lagi buses ng shem pero ano, buraot maningil. Pero kanina mura lang, 16 lang. Makikinig sana ako ng Jack's Mannequin pero parang mas masaya makipagkwentuhan. Tapos may naisip ako na importante. Tapos habang nagiisip-isip ako, nakakatulog na pala ako. Kahit na blaring yung earphones ko, nakatulog ako ng mahimbing. Ansarap nga eh. Tapos nakatulog na rin pala sila. Sabi ni kris masarap daw tulog niya.

Yung naisip ko kanina. Grabe nagtataka ako kanina. Tapos ano nagulat ako sa ginagawa ko. Tapos ayun. Naisip ko yung mga pinagsasabi ko. Tapos naisip ko yung mga maaring mangyari, tapos ano, naisip ko na di pala talaga ako sigurado. Nakakatakot. Pero ano, ayos lang. Tapos open season na talaga. Pero mahirap maghunt.

Step up na nga pala.

Reminisce na lang. Pero naisip ko, di ko dapat ikwento lahat, kasi na-ikwento ko na sa kanya to eh, tapos ano, may ibang nakaka-alam. Pero wtf long hair ako nun, tapos lutang siya. Tapos naghihintay ako sa parang parking lot nun kasi may 'washroom' dun. Nagbihis siya dun. Ayan. Tapos di ko makalimutan yun, kahit na di ko na talaga maaalala. Pero lumabas sa washroom na yun ang pinakamagandang babaeng na nakita ko. Tapos tinanong niya ko kung ayos ba itsura niya. Hindi ko alam kung ano talaga tinanong niya pero parang ganun. Gusto ko sana sabihin na ano, yung iniisip ko. Pero ang sinabi ko: 'ayos lang, pwede na yan'. Hay. Lost cause.

Tapos makinig kayo ng Jack's Mannequin kasi masaya. Lahat!

Dahil ni-request ni astrud, ito na. Napulot ako ni astrud noong 28 May 2007, may hangover pa ko nung heat of my passion kaya medyo sabog pa ako. At habang binabasa ko archive ko eh, naiiyak ako sa mga pinagsusulat ko. Kasi ang-wtf ko nun. I-picture niyo na lang ako na ano, natutulog pa rin ng 5am tapos gigising ng maaga, tapos uupo sa harap ng PC buong araw. Ito pa! Ako pa yung tipong nasusuka dahil depressed, tapos lagi yata akong nakapulupot sa unan kasi ano, depressed nga. Tapos nakakatuwa siya nun kasi ambilis pa niya magreply, kasi nasanay akong mag hintay ng 2 hours or even days para magreply ang isang tao. Tapos ano, mejo-equal yung effort namin sa pagsusulat madaling lines rin siya. Tapos wtf ako. Second day pa lang halos ikwento ko na buhay ko. Kadiri ako. Tapos naalala ko yung araw na ano, gusto kong umalis ng Pilipinas para lumayo sa mga taong bumubullshit sakin. Ayan, ganyan ako ka-grabe nun. Tapos balak niya ko samahan! Bago yun. Tapos gusto niya umulan, eh nasa bahay lang naman siya eh ako lalabas ako at wala akong payong. Tapos adik siya sa ulan, may naaalala siya lagi. Tapos binuhos ko na halos lahat ng meron ako kahit na unang usap pa lang halos, ganun ako ka-desperado for company! Eh hindi pa nga kami nagkikita personally. Tapos di ko pa nirereplyan minsan, kasi nung panahon na yun, di pa ako sanay mag text spree. Matagal na kasi akong walang kausap sa phone. Ehh magaling mag-effort yun sa mga conversation. Kaya ayan di ko nirereplyan, para makafocus sa iba. Peace tayo! Wag na nga. Mahaba na.

No comments: