[walang kinalaman title sa nilalaman ah, entschuldigung.]When do we write about perfect or idealized days? Apparently, when we lack one. So ayan, I am so tired of the four corners of this house, di na rin ako lumalabas, except steps away, kasi saktong nasa tapat ng gate namin ang ever trusty sari-sari store ni ate chen-chen, whatever. Coke at shampoo lang binibili ko dun, at coke, yun lang.
Mm. How do I make you interested in my, otherwise, pathetic life? How do I present an air of excitement? Thrill? Fresh facts about celebrating humanity? WALAAAAAA.
Napagdesisyunan ng utak ko na astig yung very best of legend, bob marley something. Di siguro sanay tenga ko nung una kong pinakinggan to, kaya binura ko na. Pero dinawnlod ko uli, at ito na. Get up stand up. Don't give up the fight.
Noong sunday ng tanghali, binug ako ng dekadenteng Parisian buhay ni Frau Kc Concepcion whatever. Naalala ko rin yung photoblog ni Herr Dave Beckerman, ang ganda ng Black % White Photography niya ng Manhattan. Tingin ko shit ang B & W photography ni Frau Concepcion, wala lang, gusto ko lang isipin. Tapos tumingin ako sa labas, ang ganda ng lighting, at ng sky, pero wala kong camera, wala rin akong film. Anyway. Kapag may camera na ko, ipo-post ko dito ang Gray Photography ko, kasi malamang digicam gamitin ko, at gray yun, kapag lumabas. Tingin ko.
Nagkapera ako kanina! The wheels are in motion! Woo.
Tapos may nabasa akong 'enough.. go out of... way.' WTF lang. How enough is enough? Kung alam niya lang yung 'what-I-live-for' ko these days. Woo uli. Lagyan ko ng karatulang 'the past' ang bahay or room ko someday. Remind me.
Gusto kung mag-selfless mode. Actually malakas akong magbilang e, pero it won't matter. I'm okay. Ang itatanong ko sa sarili ko e hindi yung "ano ba yan? ginagawa ko naman e." Pero, "ano pa ba kailangan kong gawin?" Whoa whoa. Hindi siguro. Extremely conscious ako sa bawat letrang nababasa ko or tinig na naririnig ko sa mga tao. Yes. Except lang kapag di ko naalala. Pero ang simpleng 'okay' ay hindi simple, kaya niyan sirain araw ko. T_T
Alam ko na kung saan ko nakuha style of writing ko! Kay Cervantes! Woo. Pero sa ganito lang yun.
Ansarap ng ganito no. Palakad-lakad sa loob ng bahay ng madaling araw. Nakikinig ng lumang tugtog. Pastretch-stretch sa harap ng salamin. Sana ganito rin after a while, pero wala nga lang ibang taong natutulog, yung magsasabi sayo na "madaling araw na hindi ka pa ba natutulog?" At kung anu-anong eklat tungkol sa kalusugan and everything. Masaya.
Anyway. Sana magkaron ako ng malaking archive ng movies, 40s to present. Kasi maraming nirerepresent yun, bawat movie. Tapos naisip ko, para saan ko naman gagamitin yung mahihinuha ko sa mga movies? Wala grabe. Anyway. Anong gagawin kong source of income when the time comes? Shiet I am loving every second of my life, as of now yes. Tapos maya-maya lang, mabubullshit na naman ako ng isang tao. Whoa.
Sinabit ko yung original nung picture na yun sa taas sa dingding (nag-alangan ako sa spelling nito, pati sa paggamit). Katabi niya yung magandang gitara ko na ano, di ko alam gamitin. Saka yung BS pic na di talaga Bonus Stage. Di ako kumuha as you can obviously see, pero ako naman ang nagcompost, 50% ng picture yun. Bakit ako? Kasi siningit ko lang sarili ko sa pic na yan, makikita niyo sa blur ko. Tapos ako rin nagdevelop nian, 40% yun. So 90% marbin yung pic na yan, pero di pantay, at di ko gusto kung paano kinuha. So bawasan ko liability ko, 40% na lang. That picture is 40% mine.
Kailangan ko lang pala talaga ng kausap. Yung matino. Kasi nauubusan ako nun. Actually, hindi naman siya dating marami. Sa liit ba naman ng circle ko. What makes a conversation? Baket yung iba tumutuloy? Yung iba natatapos agad? YUNG IBA HINDI NAGSISIMULA. Ano lang, monologue.
Anyway. Sana alam ko gusto mo. Para hindi ko na yun isipin all the time. AS IN ALL THE TIME.
And you won't believe how much you comprise my day. Or how much you compose my day?
However strictly speaking, a team comprises its members, whereas the members compose the team.
Ayan. You're worth more than the day.
But! It won't mean anything anymore. Sad.
Siguro ayos na ko. Kasi alam kong di ako nakakulong sa maliit kong mundo, or maliit mong mundo, or ikaw ang maliit kong mundo, or anliit ng mundong binigay mo saken. Kaya kapag nainis ako sa sarili ko, lalabas na lang ako, or tatayo dun sa terrace.
Fucking smoke ban no? Anong klaseng policy yan? WTF worst pa yan sa tofi e, haha. Parang ganito lang:
state university ba ang up?
Sabi ng isang 3rd year up student. ASTEG.
Favorite ko na yung pagtakip ng mata gamit ang palad. Pero not in the usual way. Inaapplyan ko lang ng pressure ang nakapikit kong mata, pati yung ilong ko. Ansaya ng feeling.
Hindi ko rin naman yata gagawin yung mga sinabi ko dito. Tulad ng pagtayo sa terrace.
Akalain niyo, 1 hour ++ ang average time ko para makapagpost? Quirky.
Word of the night: Ululation.
Fun fact(topics na lang): Tarzan Yell. Wilhelm Scream. Castle Thunder. Erwin Rommel.

No comments:
Post a Comment