Hey hey hey. 13 October Saturday na! It's been 3 days since nung last acad-related day ko. Well, tatlong araw na ring irregular bio clock ko. I sleep at 4-5 wake up at 11, tapos straight uli. Oh yes. Pero 3 nights 2 days pa lang naman.
Ano nangyari since? Well no one will really ask that, so I'll answer it for me. Ayan. I've tried writing two short stories. Pero nasa desktop ko pa at pending. Somehow parang ayoko. Tapos nagsayang ako ng afternoon trying to coop up inspiration. Whoa. Parang ganun kaganda no? Tapos magpopost pa sana ako uli pero ilang beses akong dumating dito sa new post screen na ito tapos wala akong isusulat. Hargh. Naisip ko lang na para saan ba ko magsusulat? Wala unfortunately, other than myself, for future references. Ilang beses akong nawalan ng 100 bills, all in all, 400. WTF. Iku-kuwento ko ba hell week ko? Sige sige. Nung last weeks, ang due lang ay: Pol sci 14 exam, film 100 critical analysis paper, film 110 photo exhibit, german 11 exam. Monday nung first week na-ayos ko na agad yung proposal para sa critical analysis paper. Hindi ako nakapag-aral para sa pol sci 14, shit lang talaga, sana ayos lang. Yung critical analysis paper ay natapos ko a day after ng deadline, pero ate fortune smiled at us so parang on time pa rin. Yun na yung pinakamahirap. The worst I got from hell week was swollen eyes. Yun lang.
Astig yung photo exhibit! Anyway. Nagbalak akong pumunta ng 8:30 dun e, astig naman mga classmates ko kaya 10 na sana ako darating. Eh kaso nadelay pa ko. Natuwa ako sa bagong episodes ng family guy at american dad, tapos dagdag pa itong si vic and everything. Ayan 11:30 ako dumating. Anlayo no? Halos wala pa rin namang nangyayari. Pero ansaya, kahit na awfully lonely. Ubos na susuotin ko nun. Pinut-off ko kasi laba day (which is Sohntag) für meine critical-analysis papier. Dun rin nawala yung 300 nung 400. Shiet. Stuck tuloy ako sa bahay. At nakakadisappoint yung mga photos ko dun. Ilan lang kaming magaling magcompose dun (kami eh no), chamba lang yung iba. Yung katabi naman ng photo ang ganda masyado, kumorneeh tuloy aken. Wala pang impact yung isang aken. Eh since ako naman yung mounting, inayos ko na lang no? Ahaha. Pero ang hirap mag mount. Late na nga nagstart eh. Pero nakakatuwang tulong-tulong kami. At sana ma-rid sa mundo ang mga katulad ni kris. SERYOSO.
At biglang nagyaya si Shiro. Astig nga e. At mababait mga classmates ko, may car pa. Wohow lang. At ansaya ng mga salitang lumalabas sa bibig ni shiro, wohow lalo. Napunta pa ko sa cantina at sa music21 ng di oras, umuwi pa ko ng 2:30am. Andami ko na namang should-have-beens.
Ayan. Totally ignored yung photo exhibit ko (in my terms ah). Anyway, shit rin naman yung aken dun, nakakahiya. Pero ansaya ng opening eh, I wouldn't want them to miss that. Them eh no. Nung umaga, ininvite ko si anjelin, sabi ko wala akong kasama, si kris lang, something about ma-o-op siya. Ganun. May ininvite akong importanteng tao pero I knew it somehow na di pupunta yun, hindi nga, mahihirapan pa ko mag-explain kay anjelin na wala nga ko kasama. WALA NGA. At di rin nakapunta si anjelin. What a day. Inisip ko pa naman nun, hahabol na lang ako sa jci, or uuwi agad para makapag star wars. Or sasamahan sa pag-uwi ang isang tao, or dine out. Ayan. Iba nangyari. Parang nag-manila by night ako, in protest sa mga bagay-bagay. So parang ganun, bahala na kung saan ako dalhin ng gabi, walanyang mga tao to. So ayan, instead of a solemn ride home, naging flamboyant descent to kawasakan. Hindi naman ako nawasak, parang ambilis nga e. Ansaya lang isipin na ano, nagp-prowl ako sa QC, nasa likod ng taxi katabi ang isang japanese national na asteg, at medyo basag.
So wala na kong distraction sa buhay. 5am na uli ako matutulog, 50% idle, 50% sulking. Nasa harap lang ng computer magdamag. Nakasandal sa silya. Nag-iisip ng mga bagay na hindi mangyayari. Naghahanap ng catharsis sa pagtapos ng kung anong laro. Gagawa na ko ng sariling fight club, puro naman self-serving mga taong kilala ko, (partially dahil sa isang magulong female lead?). Need to wait till next tuesday para magkapera uli ako. Apat na gabi pa, limang araw. SHIT ANTAGAL. Buong araw lang naghihintay ng conversation. *Makapag-kape nga muna, 4:59 am na as of now* Makikinig na lang ako ng 60s music buong araw kasi hindi ako optimitistic. Yung mellow mix pa rin.
Anyway. Tuwang-tuwa pa rin ako sa Jedi Knight 2: Jedi Outcast. Pero may jedi academy pala, at ano, 1.1gb tapos pinadownload ko pa kay kebin yung yung JK2JO. Di ako sure kung kailangan ng crack nung academy, at wala na rin akong fucking space. Ansaya ng pampalipas oras ko no. Natapos ko na rin yung laro, at wala na kong magawa. Azure na ang langit.
Saturday, October 13, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment