Grabe o, september 10 na. Ano na ba nangyari sa mundo?
Tapos pinaiyak ako nitong isa, at di pa tapos kwento ko. Pero, parang ansarap umiyak, sobra. Tapos nagkaiyak period pala ako. Wala namang nagbabasa nito kaya magkukuwento ako.
Ayan. Tinawagan kami ng nanay ko tapos umaga nun tulog pa ko, pero naririnig ko sila at siguro, say, half-awake ako. Gusto ako pabilin ng load para makatawag sa tita ko. Eh ewan ko, nambibitch fit ako nun. Tapos tinawag na talaga ako ng aking dear nanay. Tapos grabe. Nagdrama! Bumanat na gusto lang namin na tumatanggap kami ng pera sa kanya, and all that jazz. Shiet. Sabi ko sa kanya, 'ano ba yan? Bakit may ganyan?' Naisip ko tuloy si Marvin Agustin dun sa Tanging-Ina. Takte nainis ako sa sarili ko, ansama kong anak. At siyempre naiiyak na ko nun. Grabe. Napatay ko na nga isang magulang ko para sa sarili ko eh. Ano na ba meron para sa amin?
Sakit sa ulo. Ano na ba nacontribute ko sa humanity lately? Wala grabe. Umaabot ako ng 11pm sa et5 o sa jci. Ano ginagawa? Nanonood ng pustahan. Kumakain ng sisig. Naglalaro. Tapos uuwi mag-o-online, tapos maglalaro pa rin. Tapos tulog. Tapos ganun na naman uli.
Argh. Ano ba latest na ginawa ko na hindi nag-cycle? Nag-photo visit kami sa downtown Manila, nagbasa ako ng libro na nakapanggu-guho ng mga kasalukuyang mga pamantayan ko, kaya nga medyo nagising ako. Tapos meron pa, nag walk out ako kay kris kasi ine-ewan ako, at pumunta ako sa bakal sa sunken, nakikinig ng WRock at nakatingin sa ulap. Sinukat rin kung gaano katagal mauubos ang isang sigarilyo, tapos walanya, naglaro rin pagkatapos. Argh.
---------------------------
To Whom It May Concern:
Naman. You are always free to use me by any means you see fit. That's the least I could do to help you, or hmm, show my love to you! It's just that I couldn't hurt myself enough to smile now that I'm sharing moments with you. Haha. Ayaw ko na ng stinging pain near me heart, saka a heavy chest. Still, I'm happy that I've done something to ease whatever burden you're carrying.
Yours truly,
marbin
P.S. Disappointed ako sa sarili ko sobra nung iniwan kita.
------------
Kawawa naman ako. I can't hold on to anything. Basta eto na lang, I give all I got. And that should be worth more than anything else.
Monday, September 10, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment