Tuesday, September 25, 2007

For Whom?

I-commemorate na lang natin ang araw na ito, 25 September 2007.

Nagising ako 10:38 ng umaga. Dapat 8am. 11:30 class ko.
Umulan. Basa na naman ang kalye.
Magsh-shoot sana ako. Pero ang corny ng araw.
Magsh-shoot rin sana ako, pero wala yung subject.
I-dedicate ko sana last frame ng uber-film ko.
Wala uli yun mamaya. WTF
Napanood ko kanina ang La Haine.
Dazed ako pagkatapos ko manood.
Kumain ako ng fishball.
Umuulan pa rin.
May special thing pala kanina.
Dumaan ako sa underpass,
Kasama ng mga taong busy na napepeste ng ulan
At lahat on a rush towards wherever
Tapos at the corner of my eye,
May nakita akong mga brochurs na nalaglag.
SM 3-day sale brochures
Inaayos niya at tumingin-tingin sa mga tao
Wala lang. Nilingonan ko siya ng paakyat na ko ng hagdanan.
At nag-rush-in sa akin bigla ang isang malaking istorya.
At parang ambagal ng mundo pagkatapos.
Actually kanina pa mabagal, nung after La Haine pa lang.
Tapos nabullshit na araw ko.
Ansaya nga pala ng SM Manila kapag 10pm+
Actually yung labas, sarado na yun e.
Isang malaking gray structure.
May looming na blue letters.
Napaka-majestic.
The wet empty streets, the yellow street lights.
At ang tunog ng yapak ko.
Lalo na kung pano nag-e-echo ang mga boses namin.
Tapos naguguluhan ako nun kanina.
Ayaw ko na magsalita.
Nag-iisip lang ako ng wala habang pauwi.
At nagmamadali na rin akong umuwi.
Di na naman ako mapakali.

At na-BS yung load ko. Namigay ako ng libreng 25pesos.
Naiinis pa rin ako. Ano ba gusto nating mangyari?
Ano ba ang totoo? Ano ba ang dapat paniwalaan ko?
Sa nangyayari, mas naguguluhan ako.
Kaya, don't talk like you care.
'Kasi, you really don't.

No comments: