Tuesday, July 31, 2007

I'm Ready

Oops you just skipped a page
So far in, you left something out
Suddenly, everything took so fast
All the while, you were filling gaps
You fell so hard, you climbed high
You miss a leg, you slip, you cry

======================

Ansarap humiga dahil mabigat
ang katawan kong parang may bato
na nakadagan pakiramdam ko'y lumulubog
patungo sa kawalan, kawalan ng gana
hindi ba't masarap huminga habang
ang sarili ay sinasakal, salat sa hangin
na gusto mong ihinga at paikut-ikutin
sa loob ng baga, papasok sa puso
papunta sa utak -- na kung anu-ano
ang iniisip, ang nararamdaman, at ginagawa
at lalong hindi ko pa gustong matulog
sayang ang gabi, maraming umaga
at walang babati sa aking pag-gising
kung hindi ang liwanag ng araw
ating ipagbunyi ang mga bagay na
hindi natin mahawak at kung gaano
nila tayo pinaghihintay -- sa wala
Kaya matulog na lang ako at matuwa

======================


Ayan may reason na ko para gumanti. Kasi nakapedestal lang pala. Nabulag na naman ako. Pero siyempre "ako" na naman. Sa akin na naman umiikot ang mundo. Ayos lang. Hindi niya naman alam eh. Haha. Nakakasawang tumakbo paikot, bumababa tingin ko sa sarili ko. Ano naman kung pagsubok lang yun, at kung pagsubok nga ba? Shiet. Andami mong choices ah.

Magkkwento na lang ako. Kapag feel ko na marami akong choices. Nagkakaron ako ng invincible smile. Tapos medyo matagal mag-wear off. Ewan. Meron yatang factor na kapag nakuha mo, tatamarin ka. Edi tanggalin para ganahan!

Woo! Kapag masaya ako wala akong gana magsulat. Puro dada lang tungkol sa sarili ko. Tapos astig tatay ko. Nagpadala na. Awoo. Salamat uli sayo tay. Yuck.

Puro poot nasa puso ko ngayun eh. Wala tuloy ako gana. At masaya ako sa aking new-found hate, so I can't produce anything.

If no one else makes you feel special, do it yourself. Itaas natin ang ating mga bangko! Itaas!

No comments: